Monday, August 31, 2009

49. RUFFA GUTIERREZ

Hindi namin malilimutan ang Bruneiyuki kahit pa padagdagan mo ng padagdagan ang kapal ng nguso mo, Ruffa Gutierrez. Battered wife ka raw? Ano bang ipinaghahampas sayo ni Ylmas? Mga alahas? Mga ginto at diamante na pinanghihinayangan ng bruha at mukhang pera mong ina ?Tama si Ylmas day, nakakaloka ang konsepto ng pamilya mo sa salitang " sikat". Buti na lang at natauhan ang Turko.

48. MIKEY AND DATO ARROYO


Mana sa Ama at Ina. Ayon sa balita, simula ng manungkulan bilang congressmen, nagkamal na ng sobrang yaman, kabilang na ang mga bahay at condominium sa Bay Area sa Amerika. Nagtataka pa ba kayo sa pagiging corrupt ng dalawang ito? Kung nagtataka pa kayo, sobrang tanga nyo na!

Saturday, August 29, 2009

47. LITO ATIENZA

Itong si Atienza ay number 1 ding sipsip kay Arroyo, kaya nman nung hindi na siya na-elect bilang Mayor ng Maynila ay ginawa ni Arroyo na Secretary of Environment gayung ito rin ang number 1 na walang pagpapahalaga sa environment. Siya yung sumira sa kagandahan ng view ng Manila sunset at siya rin ang nagpaputol ng mga kahoy sa kahabaan ng lansangan sa San Fernando, Pampanga. Dapat pagbayarin ito ng inang kalikasan!

Friday, August 28, 2009

46. FERNANDO SUAREZ


Pinapaniwala ang tao na may kapangyarihan siyang manggamot ( at bumuhay ng patay ). Pero meron nga ba? Sa tutuo lang, pawang kasinungalingan ang lahat. Wala! Wala! Wala at hindi siya nakapagpapagaling. Pawang panlilinlang at paghahanap ng pera ang kanyang nakaraan! At kailangan niyang sumailalim sa masusing psychiactric treatment.

45. MIKE VELARDE

Nabankrupt ang business, ginamit naman ang Diyos para yumaman uli. Siya na ngayon ang pinakamakapangyarihang lider ng kulto sa loob ng Simbahang Katoliko.Kapag sinabi niya sa mga alagad niya na tumalon, tatalon sila. Tuwad, tutuwad sila. Ang paborito niyang kanta " Magbigay, magbigay"... ( magbigay sa kanya para lalo siyang yumaman). Hoy, Mike Velarde, mangilabot ka sa ginagawa mo!

44. IGLESIA NI MANALO

Ang Iglesia ni Kristo kuno na sa tutoo lang ay Imperyo ni Manalo. Ito ang pinakamakapangyarihang kulto sa Pilipinas. Kung ano ang sasabihin ni Manalo, lalo na sa pulitika, susunod lahat ng miyembro. O di ba? Kulto yan? Kulto! Kulto!

43. HENRY SY

Itong si Henry Sy Sr. ( gitna ) daw ang pinakamayamang Pilipino ayon sa Forbes Magazine nung Agosto 25. Eh paanong di yayaman ang buwakanginang yan e paano sagad-sagaran kung gawaan ng inhustisya ang mga nagtatrabaho sa mga tindahan niya. Biruin mong kada-anim na buwan ay tinatanggal niya ang mga tindero at tindera niya para lang makaiwas siya sa pagbibigay ng labor benefits? Yan, nahihiga ang demonyong yan sa perang galing sa pawis at dugo ng mga kawawang maralitang Pilipino. Dapat diyan sa mga SM na yan, pasabugin lahat!

42. JASON ABALOS

Katulad ni Willie, sino ba ang kinakapitan mo diyan sa ABS-CBN iho? Bakit ba lagi ka nilang ipinapakita sa telebisyon gayong di ka naman nanalo dun sa kontest na sinalihan mo, at di ka naman talaga kagwapuhan. Me isa pa ngang write up na nagsabing marungis ka. Marungis ka! Pero nakakapagtaka talaga kumbakit nandyan ka pa rin at pilit na isinasaksak sa aming mga mata ang iyong mukha sa harap ng tv. Sino ba ang handler mo? Yung asawa na naman ba ni Noli de Castro?

41. CHARICE PEMPENGCO

Hoy babaeng bansot, wala ka na pong ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw. Yung boses mo, napaka-artificial. Kung bumibirit ka parang me lobong malapit nang pumutok sa iyong ngala-ngala. Kita na po pati ang kasuluksulukan ng iyong utak kapag nagta-trying hard kang bumirit at gayahin ang ibang mang-aawit. Magpakatotoo ka.. di ka po bata. Matanda ka na po.. matandang bansot na malapad ang mukha!

40. ROMULO NERI AT BENJAMIN ABALOS


Ang dalawang hinayupak na ito na deny ng deny nung una at dapang dapa sa pagprotekta sa mag-asawang Arroyo ay napatunayang guilty ayon sa Ombudsman. Ang dapat na parusa kay Neri ay pagkukurutin nang tuluyan nang lumabas ang kanyang kabaklaan at palakarin sa EDSA ng tanghaling tapat suot ang makapal na gown kuntodo me korona at scepter at may sash na nagsasabing "Reyna ng Kasinungalingan" . At ang dapat naman kay Abalos ay ibitin ng patiwarik sa tulay ng Guadalupe para makita ng buong bayan ang kanyang pagka-corrupt!

Thursday, August 27, 2009

39. AY ROBOT ! SA UMAGANG KAY GANDA

( Agosto 28, Umagang Kayganda sa ABS-CBN ). Iniinterbyu ni Kim Atienza yung mama na nagdedemonstrate ng kanyang mga robot. Isang robot ay may flashlight na animoy bayag at pwede raw makipaglaro sayo sa gabi.

Kim Atienza: So pwede mo ring ipahanap dito kapag di mo mahanap ang iyong
sapatos ( referring dun sa robot na may flashlight )

Mamang nagdedemonstrate: Opo, basta iprogram mo lang kung saan siya pupunta.


Bwahahahahahaa!!!!! Ba't mo pa ipapahanap yung iyong sapatos kung alam mo na kung saan yun? O e di ba sobra nang katangahan yan?

38. CERGE REMONDE

Ang dakilang sipsip, bow! Sa tutuo lang, naiinis ako pag nagsasalita siya. Basta yun na!

37. GABBY CONCEPCION

Nag-asawa ng maaga, nambugbog ng asawa, hiniwalayan ng asawa, nag-asawa ng dalawa, hiniwalayan ng mga naging asawa, nawalan ng trabaho sa states, bumalik sa Pilipinas at nagpatuloy mag-artista, nagpabotox ng mukha! Ha!ha!ha!ha!

36. ARA MINA


Malapad ang mukha, malaki ang mata! Malandi at di dapat na ipakita sa mga bata!

35. LOLIT SOLIS

Kung naaalala niyo pa yung si Vivika Babaje na sumigaw ng " Take it! Take it!, maiintindihan niyo kung bakit ang Lolit Solis na ito ay isang karimlan sa industriya ng showbiz! Isa siya sa hindi kaaya-ayang tanawin sa Pilipinas. kapag nakita niyo siya sa telebisyon ay i-off niyo agad ito bago pa siya makapaghasik ng sumpa at kamalasan sa inyong buhay!

34. JOVITO PALPARAN

Pagmasdan niyong mabuti ang mukha ng taong ito. Ito ang mukha ng Demonyo. Ito ang mukha ni Kamatayan! Itatak niyo sa isip ng inyong mga anak at mga apo at susunod na henerasyon ang kademonyohang ginawa ng taong ito. Isa siyang mamamatay tao at isang matinding dahilan kung bakit nakakatakot tumira sa Pilipinas, dahil kapag nagpahayag ka ng iyong karapatang kumontra sa gobyerno ay PAPATAYIN KA NIYA!

33. SIRA-ULO GONZALES

Nakidney transplant na yan pero di pa rin tumino ang isip. Ginawa niyang katawa-tawa ang Department of Justice ni Gloria Arroyo. Sipsip hanggang buto ang gago!

32. VICKI BELLO- the Ultimate Matrona


Yes, sino pa ba ang perfect model for an ultimate matrona kundi si Vicki Belo. Siya rin an personification ng salitang " nagmumurang kamias". At siya rin ang perfect role-model ng mga taong hindi masaya sa sarili. Time will come, lahat ng mga taong hindi kuntento sa kanilang katawan ay magiging kamukha ni Vicki Belo! Pag-uusapan pa ba natin si Hayden Kho? Wag na lang.

Wednesday, August 26, 2009

31. MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES


Aba'y sumobra na yata sa landi itong si babae at naging overconfident naman itong si lalake. Si lalaki raw ay one of the most sexiest men in the world. Sino kaya ang nagdeclare nun at sino ang may connection? Eh sa tutuo lang, yung katawan ni lalake eh parang pinagdugtong lang na dibdib at tadyang, at yung kanyang mukha? naku, umitim lang yan, tiyak marami yangg magiging kamukha sa daungan sa Navotas. Aba eh tatlong piso lang ang ganyang mukha diyan sa talipapa ng Q-mart!

30. MIKE ENRIQUEZ

Kahit pa sabihing ang programa niya at siya ay award winning, sa tutuo lang, naiinis po ako sa kanya. Di ko talaga alam kung yung pagbigkas niya ng balita ay patanong o pahayag. At bakit po pag sinasabi niya kung sino ang nag-uulat, para siyang galit na galit? Para sa akin, isa siyang malagim na bangungot tuwing oras ng balita!

29. WILLIE REVILLAME


Isang milyon daw isang araw ang kita nitong si Willie. Para sa ano ba ang bayad na ito???? Di naman sa naiinggit ako pero bakit ganun na lang ang pagpapahalaga sa kanya ng ABS-CBN? Sino ba ang handler nito? Yung asawa ba ni Noli de Castro? Ba't siya nagkaroon ng ganoong presyo? Para sa ano? Nung nawala siya sa Wowwowee at si Pokwang ang pumalit, di ko man lang napansin na wala na pala siya. Ano bang meron itong si Revillame (maliban sa kanyang kabastusan) na binabayaran ng ABS-CBN? Pakisagot mo nga.

Tuesday, August 25, 2009

28. MGA PULITIKONG NANGANGAMPANYA GAMIT ANG PERA NG TAONG BAYAN SA KANILANG INFOMERCIALS


Yes, Election Time is in the air.. nauna pa sa Christmas at New Year! Binabaha na ang telebisyon at mga kalsada ng mga naglalakihang mukha ng mga pulitiko. Milyon milyon din ang mga ginagastos ng mga nasa gobyerno sa kanilang mga "informercials" kuno na kahit pa sinong bobong Pilipino ay magsasabing hindi infomercial kundi lantarang pangangampanya. Sabi nga ni Senator Miriam Defensor Santiago : " Hindi na nahiya!" Ang nakakalungkot, pera ng taong bayan ang ginagamit ng mga kurakot na ito.

Monday, August 17, 2009

27. NAKAKAHIGHBLOOD NA PHILIPPINE AIRLINES


Martes ngayon, aalis ako ng Biyernes. Kung naaalala nyo, dalawang araw matapos akong lumapag dito sa Manila ay sinubukan ko nang kumuha ng reservation ng upuan sa lipad ko pabalik sa Amerika. Pero eto nga at pinabalik balik lang ako sa Office nila sa Alimall at wala naman akong nahita. Eto, sinubukan kong tawagan yung number nila na nasa website 855-8888. Habang naghihintay ako ng costumer rep, ang background teleinfo nila ay " Mabuhay.. don't you know that we have updated our website for your convenience?", naknampu.. nagmalaki pa. Eto na, sumagot na si Costumer rep, at matapos ang aking explikasyon ay nagsabing, " Right now Sir, the seating map is offline". Anakangpating, pati ba naman sa ipinagmamalaki nilang website at numero eh palpak pa rin? Grabe na to!

26. SIR..MAM..SIR.. ANG BUNGANGERANNG TINDERA SA FOODCOURT

Ay opo, pipili ka lang ng kakainin, hindi ka na tatantanan ng kase-sales talk ng mga bungangerang saleslady na asta mo eh tagatawag ng pasahero sa jeep. Dun ako pumili sa ang luto ay galing daw Cebu. Cebu fiesta yata yun. Heto na si Ateng bungangera.. na halos ibunggo na yung kanyang nguso sa mukha mo: "Sir, Mam, sir, pili na po kayo, sabaw in misu.." Ano bang isda yan , sabi ko. " Imilda, sir,mam,sir" ang sagot ng bisayang lintek.

25. PRESENTING THE MOST INNEFICIENT AIRLINE IN THE WORLD...PAL


Maliban sa reputasyon ng PAL na palaging huli, napaka inefficient pa ng costumer service nito. Pumunta ako sa kanilang Ali Mall Office 2 days after I arrived here in Manila para magpareserve ng aming seat dahil nag-book kami online at walang ibinigay na seat number. Ayaw din kasi naming pumunta ng airport ng pag-kaaga aga para lang mabigyan ng magandang seat location. Sabi nung costumer rep na nakausap ko, hindi raw nila ako mabibigyan at nasa main office daw ang control. Bumalik na lang daw ako uli. Heto nga at pagkatapos ng isang linggo eh bumalik ako. Pumila pa ako ng pagkatagal tagal dahil ang numerong nakuha ko ay 281 at ang naroon sa screen ay 258 pa lang. Aapat lang yata ang costumer rep na nandon dahil lunch time na. Sa wakas, sa tinatagal tagal ng paghihintay ay natawag din ang number ko. At humarap na nga po ako sa costumer rep na pagkatapos tingnan sa computer ang pangalan ko ay nagsabing " sorry po sir, ni-lock na po ng check in ang mga upuan, doon na lang po kayo i-aasign pag check-in ninyo". Naknampu....naman, halos isang linggo pa bago ako umalis, wala na silang magawa para mabigyan ako ng seat assignment? Wow naman.. talagang napakainefficient to the highest level ang dating nila.

Sunday, August 16, 2009

24. MGA NAGSULPUTANG HIGH RISE CONDOMINIUMS


Opo, in na in ang mga condos.. parang mga kabute na nagsusulputan sa buong Metro Manila at ang tataas pa nila. Kaya an dami ring nag-bibigay ng mga flyers kapag nasa mall ka. In 20 years time, bagsakan ang mga ito ( I mean literally ) at yung mga bumili ay mare-realize nilang bumili sila ng hangin! Sino ang nasa tamang pag-iisip na magtayo ng mga pagkatataas na mga gusali sa isang bansang nakatayo sa isang malaking earthquake fault?

23. PHILIPPINE CONGRESS

ISANG MALAKING CROCODILE FARM.. MAS MALAKI PA KESA DUN SA NASA PALAWAN!

22. NATIONAL ARTIST DAW


Habang nandito ako sa Pilipinas ay nagpo-protesta ang mga Artists sa mga piniling National Artist ni Arroyo. Si Manolinga Morata ay dapang-dapang ipinagtatanggol si Carlo Caparas ( ahhummmm... papa ). Wala akong problema kay Carlo Caparas, pero kay Cecile Guidote Alvarez ay meron! Walang delicadeza at walang karapatan! Period. Alis ka dyan!

21. GLORIA MACAPAGAL ARROYO


Yeah, right.. yung babaeng bansot na me malaking nunal sa malapit sa ilong na gustong manatili sa puwesto habangbuhay. Pinangalanan niya ang isang mahabang kalsada sa Manila na Macapagal Ave at isang Airport sa Pampanga ng Diosdado Macapagal International Airport. Ang isang malaking palaisipan sa mga Pilipino.. ANO BA ANG NAGAWA NITONG DIOSDADO MACAPAGAL SA PILIPINAS. Paki-enumerate nga po. P-r-o-t-e-s-t! P-r-o-t-e-s-t!

20. IPIS


Ewwww... cockroach! Yuck. Dami po ng ipis.. siyempre nga po dahil sa an dami ng dumi kaya yung mga ipis ay sandamakmak rin. Nakikipagkompitensiya sila sa lumulobong populasyon ng Pilipinas. Me sarili na rin silang mga baranggay. Baka magkaroon din sila ng eleksiyon sa 2010!

19. FLASH FLOOD SA MGA KALSADA NG MAYNILA


Nagbibiyahe ako galing Luneta papuntang Quezon City nang biglang bumuhos ang ulan. Biruin mong ilang minuto lang ay natagpuan ko na lang ang sasakyan ko na nakalutang sa isang malaking dagat.. Opo, bumaha at nagmistulang Pacific Ocean ( di lang Laguna de Bay ) ang buong paligid!

18. OCEAN PARK

Yung Ocean Park sa Manila, para ka lang pumasok sa isang malaking Aquarium. Pagkamahal mahal ng bayad tapos pag nakalabas ka sa kabilang dulo, di na raw pwedeng bumalik. Gusto ko sumigaw ng " Harranggg, ibalik ang bayad". Sa tutuo lang, wala ka namang makikita.. puro isda lang na makikita mo rin sa palengke.

17. SANDAMAKMAK NA PRODUKTONG PAMPAPUTI


Pumunta ka sa mga department stores at bubulagain ka ng sandamakmak na pampaputi ng balat mula sa papaya, kalamansi hanggang sa glutathione.. Obssesed ang mga Pinoy sa pagpapaputi ng balat. Ewan .. ewan talaga!

16. PALAKPAKAN PAG LAPAG NG EROPLANO

Naalala ko, pag lapag ng eroplanong sinaksakyan ko galing LA, nagpalakpakan ang mga tao. Gulat ko. Sa isip ko, baka eto yung mga Lolo at lola namin na kung ilang taon nang hindi nakauwi ng Pilipinas kaya sa tuwa eh palakpak ng palakpak. Hoy mga ingkong, pwede na pong magbiyahe papuntang Hongkong at bumalik sa Pilipinas sa hapon ngayon. Di na po katulad noon na pag pupunta ka ng Amerika ay aabutin ka ng ilang taon sa pagsasagwan! Pero, oo na.. sige na nga.. appreciation na lang sa smooth touch down.. oo na..

15. SECURITY CHECK SA AIRPORT

Sira ang Security X-ray Check sa airport ng Legazpi City kaya kinalkal na lang ang laman ng maleta ko nung security officer. Bwa! Ha! ha! ha! ha! ha!

14. COSTUMER SERVICE NA WALANG SILBI

Nagpunta ako sa Philippine Airlines sa Cubao para magpa-assign ng seat, sabi nung Costumer service wala raw siyang access sa reservation at limited lang daw yung binibigay sa office nilang seat numbers.. binigyan niya ako ng numero na tatawagan. Nung tinawagan ko, yung isang numero ay " not in service" at yung isa naman at halos nakalyo na ang daliri ko sa kada-dayal pero laging" all circuits are busy now, please try your call later" ang hinayupak na sagot. Mga walang silbi!!!!!

13. MGA PROYEKTO NI BAYANI FERNANDO


Maliban sa kulay na Pink, an dami pang dapat ayusin ni Bayani Fernando. Kulang na kulang po sa mga instructions at hindi tourist friendly ang mga kalsada sa Maynila.

12. MGA MMDA OFFICIALS NA NAG-AASTANG PULIS KUNO


Opo, di na lang pulis ngayon ang nangongotong, pati mga MMDA na patraffic traffic daw ay nakisawsaw na rin. Masaklap pa, dahil wala namang mga alam ang mga ito, lalo tuloy nagkakagulo-gulo ang mga sasakyan sa kalsada. Huuu.. sarap pagsasagasaan ng mga hinayupak na to.

11. MGA PULIS


Yeah.. ang mga patolang nagpapalaki ng tiyan. Nagkalat sila sa lansangan hindi para ayusin ang traffic o tumulong sa mga mamamayan kundi para maghanap ng makokotongan! Bagong image daw ng Mamang Pulis??? Pwe.. same banana! ha! ha! ha! Ang mga buwaya, bihisan mo man ng uniporme, buwaya pa rin!

10. I HATE ATM'S IN THE PHILIPPINES


I really do.. kapag kailangang kailangan mong magwithdraw ng pera, saka naman nag-o-offline ang mga ATM machines. Notorious yata itong BPI at kapag araw ng sweldo ay bigla na lang magsasara ang kanilang mga ATM machines para di ka makapaglabas ng pera mo ! Waaaalaaaaanghiyyaaaaaa talaga!

9. SM MALLS

Balak yata ni Henry Sy na gawing SM republic ang buong Pilipinas. Naglalakihan ang kanyang mga Malls.. ang problema lang, hindi ito makatao kung magtrato sa kanyang mga empleyado. Mantakin mong tinatanggal kada anim na buwan ang mga empleyado para hindi na kailangan pang mabigyan ng tamang benepisyo. OO nga at murang mamili sa SM, pero isipin mo na lang na ang lalong yumayaman ay ang gahamang Henry Sy! Here at SM, Henry Sy got it all from you!

8. POLLUTION


SOBRA! Walang regulations yata dito sa smog emission.. kulang na lang magbitbit ka ng oxygen tank pag lalabas ka. Pag mahina ang baga mo, tiyak bibigay sa kapal ng usok na masisinghot mo!

7. DUMI..DUMI..MARUMI TALAGA


Ang mga Pilipino, di natutong maglinis. Ang buong Metro Manila, akala mo isang malaking tambak na basura. Maliban na lang doon sa mga lugar ng sosyal tulad ng The Fort, Glorietta, Eastwood at Rockwell, pag lumabas ka at baybayin mo ang bawat kalsada, makikita mo ang sobrang kalat ng mga Pilipino. Kailan nga kaya matuto ang Pinoy na maglinis?

6. MGA MUKHANG NAG-AABANG NG PERA

Hindi naman sa ayokong mag-share, pero naman naman, lahat yata ng humaharap saakin, pera ang hanap.. pag alam nilang galing ka ng abroad, akala nila eh sumusuka ka ng pera!

5. BAGAL SA SISTEMA

May naiwang papeles ang tatay ko bago namatay, pero mahigit 20 taon na niya itong nilalakad. Nung pinuntahan ko sa opisina ng DAR ( Department of Agriairan Reform ) sabi ay ayos naman daw at aasikasuhin na nila. Malamang, another 20 years na naman yun! Hay... lagay ng buhay!

4. MGA WALANG DISIPLINANG DRIVER SA KALSADA


Buti na lang marunong pa akong magdrive sa Maynila, pero ang nakakapagpanibago lang ay ang makisabay sa mga asta ng mga walanghiyang drivers sa kalsada. Di ko na yata kaya ang sagad sagarang kawalan ng disiplina ng mga nagmamaneho rito. kaliwa't kanan na ang mura ko, pero ganito talaga ang kalakaran dito.. mauna ang walanghiya at haragan!

3. SHOWBIZ

Mula billboards hanggang telebisyon, ang kababawan sa industriya ng showbiz ang pilit na isinasaksak sa utak mo. Pinipilit gawing artista si Manny Paquiao, Jinky at Aling Dionisia. Pinag-endorso si Paquiao ng shampoo, pinagmalaki ni Jinky ang nabawas sa kinalkal niyang taba. Kung panoorin mo naman ang telebisyon, mukha lang ng pamilya Gutierrez ang makikita mo, mula sa nagsusumigaw na nguso ni Ruffa, sa kasampal-sampal na mukha ni Anabelle Rama. Sumpa sila sa industriya!

2. MGA HIGANTENG BILLBOARDS NG KUNG ANU-ANO


Bagtasin mo ang kahabaan ng Edsa at mapapagod ang mata mo sa katitingin sa mga naglalakihang billboards ng kung anu-ano. At karamihan pa rito ay mga naghuhubarang mga artista na kesyo pinaputi ng ganito, o pinakintab ang buhok ng ganito. Nakakasuka talaga!

1. CORRUPTION

Pagbaba mo pa lang ng eroplano, kahit saan ka lumingon, makikita mo ang naglalakihang mukha ng mga corrupt na politicians na nagsasabing proyekto nila ang ganito at ganoon, eh sa tutuo lang naman, pera ng mamamayan ang ginamit nila dyan!